Sinabi ni Remulla na hindi pa naman nareresolba ang inihaing apela ni Maliksi sa Ombudsman noong Agosto 17, 2005 para makansela ang suspension order na anim na buwan na iniutos ni Deputy Ombudsman for Luzon Victor Fernandez.
Patuloy pa rin naman umanong dinidinig ang apela ni Maliksi ng Tanodbayan at binigyan pa ito ng pagkakataong makapaghain ng paliwanag sa kinasasangkutang isyu sa loob ng limang araw noong Agosto 22.
Kung hindi man aniya ituturing na forum shopping ang ginawa ni Maliksi, moot and academic na ang petisyon dahil ang Department of Interior and Local Government (DILG) ang nagbaba ng suspension. Hindi rin aniya marapat na pagkalooban ng injunction si Maliksi dahil walang batayan para pakinggan ang inihain nitong writ of injuction. (Grace dela Cruz)