Sa pahayag ni Atienza, labis na nasaktan ang kanyang pamilya sa ginagawang paninira na sinasabing isang palabas lamang ng mga katunggali sa pulitika para wasakin ang kanyang reputasyon at serbisyo sa mamamayan ng lungsod ng Olongapo.
Iginiit ni Atienza na ang kasong sexual harassment noong Nobyembre 11, 2004 na isinampa sa Malacañang ng isang Ester Rabado laban sa kanya ay isang imahinasyon lamang at walang katotohanan.
Ang akusasyon ni Rabado ay pinasinungalingan ng konsehal at iginiit nito na hindi siya ang kausap sa telepono noong Nobyembre 11, 2004, gaya ng akusasyon nito at may mga magpapatunay at tetestigo na hindi nito kausap si Rabado.
Bunsod nito ay nagsampa na si Councilor Atienza ng kasong false testimony and perjury at incriminating innocent person laban kay Rabado sa City Prosecutors Office at sa Quezon City dahil sa ginawang pagwasak sa kanyang kredibilidad. (Jeff Tombado)