Ayon kay P/Supt. Danilo Flordeliza, regional director ng PDEA-Cordillera, umabot sa dalawang araw na operasyon bago mapalis ang 200,000 puno ng marijuana sa bulubundukin ng Sitio Kasablutan sa Barangay Loccong at Sitio Kum-uma sa Barangy Tulgao West.
Matapos sunugin ang mga punong marijuana mula sa mga binunot na plantasyon ay nagdala ang mga operatiba ng ilang puno para dalhin sa bayan ng Tabuk sa isasagawang ceremonial burning.
Kasunod nito, pinangunahan nina Kalinga Gov. Dominador Belac at Vice Gov. Diasen, Provincial Prosecutor Arsenio Ande, mga opisyal ng lokal na pamahalaan at non-government organizations ang pagsunog ng marijuana noong Agosto 17 sa harap mismo ng plaza.
Tumaas ngayon ang demand sa marijuana, kumpara sa shabu kayat nag-shift na ang mga drug pushers at adik sa damo para mapanatili ang bisyo, ayon pa sa ulat ng PDEA. (Ulat ni Artemio Dumlao)