Trader, caretaker kinatay

CAMP AGUINALDO – Animo’y kinatay na baboy ang isang may-ari ng palaisdaan at caretaker nito makaraang pagtulungang saksakin hanggang sa mapaslang ng mga hindi kilalang lalaki na pumasok sa farmhouse ng mga biktima sa Barangay Mataymtayum sa bayan ng Lapaz, Tarlac, ayon sa ulat kahapon.

Dakong alas-siyete y medya ng umaga nang madiskubre ang mga bangkay nina Jessie Pangilinan, 32, may-ari ng fishpond ng Barangay Buas, Candaba, Pampanga at Constancio Sicat, 46, ng Barangay Caut, Lapaz, Tarlac.

Napag-alamang nawawala ang dalawa pang katiwala sa palaisdaan na si Jay Lacaba at isang tinukoy sa alyas Vic na pinaniniwalaang may kaugnayan sa nagnap na krimen. Nagsasagawa na ng malawakang imbestigasyon ang pulisya, habang tugis naman ang dalawang katiwala na tumakas sakay ng motorsiklo na pag-aari ni Sicat. (Joy Cantos)

Show comments