232 katao na-dengue

San Fernando City , La Union – Isa pang apat na taong gulang na bata ang namatay habang umaabot na sa 232 katao ang nagkasakit ng dengue sa lalawigang ito, ayon sa ulat ng mga opisyal kahapon. Dahil sa patuloy na pagtaas ng karamdamang ito ay nakatakdang hilingan ng mga health officials sa Sangguniang Panlalawigan na ideklara na ang kanilang lugar sa ‘state of calamity’ upang magkaroon ng kaukulang pondo para matugunan ang lumalalang sakit na dengue.

Sa ulat na nakalap sa tanggapan ni Dr. Jose Ostrea, Provincial Health Officer, ang pinakamalaking bilang ng mga nagkasakit ng dengue ay ang San Fernando City sa naitalang 115 kataong biktima, sumunod naman ang Bauang , 27 biktima at 18 naman sa Bacnotan. Kaugnay nito, nagpakalat na ng mga health workers at sanitary inspectors sa buong lalawigan upang turuan ang mga tao kung papaano sila makakaiwas sa nasabing sakit. (Myds Supnad)

Show comments