6 timbog sa drug bust

BULACAN — Anim na kalalakihan na pinaniniwalaang nagpapakalat ng bawal na gamot ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya matapos na isagawa ang drug bust sa Barangay Santisima Trinidad, Malolos City, Bulacan kamakalawa. Kabilang sa mga suspek na naghihimas ng rehas na bakal ngayon ay nakilalang sina Eulogio Camua ng Barangay Bayan Luma, Imus, Cavite; Roger Valderama ng Barangay Burol 2nd, Balagtas, Bulacan; Mag-utol na Cezar at Apolinario Reynaldo ng Barangay Panginay, Bulacan; Ray Espiritu at Rolando Bautista.

Ilang gramo ng shabu, baril at gamit sa droga ang nakumpiska sa mga suspek matapos na salakayin ang pinagkukutaan ng apat na posibleng bagsakan ng bawal na gamot. (Efren Alcantara)

Show comments