Ito ang napag-alaman kay Administrator Lorenzo H. Jamora ng Local Water Utilities Administration (LWUA) matapos ang contract signing sa pagitan ng LWUA, mga opisyales ng Urdaneta City Water District (UCWD) sa pangunguna ni Chairman Higenio Agsalud at General Manager Casiano Callanta at nanalong contractor ng proyekto na R2 Builders, Inc.
Ayon kay Jamora, ang water project sa Urdaneta City ay parte ng isang malawakang programa sa pagpapaunlad ng provincial water supply systems na magkatuwang na itinataguyod ng German Federal Republic at ng Pilipinas na may pondo na mula sa ahensyang Kreditanstalt Fuer Wiederaufbau (KFW). Ito ay nakatakdang matapos sa loob ng isang taon matapos maibigay ng LWUA ang "notice to proceed" sa contractor sa susunod na linggo.
Sinabi ni Jamora na ang bagong water project ay kapapalooban ng pagkokonekta ng 12,000 bagong service connections sa 24 barangay sa Urdaneta City at paglalatag ng humigit kumulang na 70 kilometro ng tubo ng tubig.
"Kasama sa nabanggit na proyekto ay pagtatayo ng dalawang deep wells na may kumpletong pump houses at electromechanical facilities, dalawang booster pump stations at dalawang konkretong 100-cubic meter capacity ground reservoirs," dagdag pa ni