Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joanna Marie (hindi tunay na pangalan) at residente ng Barangay Ibabang Dupay.
Isa sa dalawang suspek ang kaagad namang nadakip at ito ay nakilalang si Guzman Dapol ng Barangay Mayao Crossing.
Batay sa ulat ni PO3 Edna Santiago, officer-on-case, naglalakad patungo sa kanilang bahay ang biktima nang harangin ng mga suspek dakong alas-11 ng gabi.
Tinutukan ng baril sa leeg ang biktima saka sinuntok sa hita at ng maubusan ng lakas ay dinala ng mga suspek sa loob ng nabanggit na private cemetery at isinagawa ang maitim na balak.
Tinangay ng mga suspek sa kanilang pagtakas ang mamahaling cell phone ng biktima at ang pera na P27,000.00. (Tony Sandoval)