Kawatan bulagta sa 2 sekyu

CAVITE — Naaktuhang nagnanakaw sa loob ng canteen ng Technology University of the Philippine ang isang hindi kilalang lalaki kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang security guard kahapon ng madaling-araw sa Barangay Salawag, Dasmariñas, Cavite.

Sumuko naman sa himpilan ng pulisya ang dalawang sekyu na sina Melvin Arellano, 28, ng Barangay San Agustin 2 at Wilton Malenab na kapwa empleyado FSR Security Agency na nakatalaga sa nabanggit na unibersidad. Napag-alamang lumaban ang suspek hawak ang isang patalim sa dalawang sekyu matapos na maaktuhang nagnanakaw kaya napilitang pagbabarilin hanggang sa duguang bumulagta. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments