Beautician inatado ng tinedyer

QUEZON – Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang 22-anyos na beautician na bading ng dalawang hindi kilalang tinedyer na palaging kasama ng biktima sa Barangay Poblacion sa bayan ng Infanta, Quezon kamakalawa. Labimpitong saksak ng patalim ang tumapos sa buhay ni Erwin Ovantia ng Barangay Bantilan matapos na matagpuan ang bangkay nito sa loob ng Cookie Charm Beauty Parlor bandang alas-siyete ng umaga. Ayon kay PO3 Leonardo Suaverdez, huling namataang buhay ang biktima na kumakain sa Sachi Restaurant na kasama ang dalawang tinedyer na lalaki. May posibilidad na tumangging magbigay ng malaking halaga ang biktima sa mga suspek kaya naganap ang pamamaslang. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments