Ito ang kauna-unahang dengue outbreak sa taong kasalukuyan at inaasahang tataas pa ang bilang ng kaso ng may dengue hanggang Setyembre dahil sa tag-ulan. Kabilang din sa minomonitor na bayan sa Nueva Ecija ay ang San Leonardo, General Natividad at Cabiao na posibleng manalasa ang killer lamok, ayon kay DOH Undersecretary for Public Health Dr. Ethelyn Nieto. Ang tatlong biktima na nasawi ay pawang mag-aaral sa pre-school at karamihang pasyente ay ginagamot sa Dr. Paulino Garcia Memorial Medical Hospital.
Napag-alaman pa kay Dr. Nieto na aabot sa 237 kaso ng dengue ang naitala simula pa noong Enero 2005. Kasalukuyan ay nagpadala ang DOH ng mga beteranong doktor sa bayan ng General Tinio para asistihan ang ibang doktor laban sa pananalasa ng killer lamok. Nagsagawa na rin ng fumigating ang kinauukulan sa mga apektadong barangay. (Ulat ni Sheila Crisostomo)