Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Romeo Cecilliano, may-asawa, walang trabaho tubong Quezon at residente ng Blk1 Lot 105; Netherland Avenue, Country Meadow Subd. Brgy. San Francisco ng bayang nabanggit.
Batay sa imbestigasyon ni PO1 Leo Bayot may hawak ng kaso ganap na alas-4:45 ng hapon ng matagpuan ang nakabiting katawan ng biktima sa kisame na bahay nito.
Base sa teorya ng mga awtoridad, posibleng hindi na nakayanan ng biktima ang kaniyang mga problema dala ng labis na kahirapan kaya nagpatiwakal. (Cristina G. Timbang)