Provincial jail sasalakayin ng NPA

Camarines Norte – Nasa maximum security ngayon ang compound ng Camarines Norte Provincial Jail dahilan sa banta ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, Spokesman ng New People’s Army (NPA) na sasalakay upang iligtas ang isang nasakoteng top leader ng kilusan sa Bicol Region.

Ito ang nabatid sa eksklusibong panayam ng PSN kay Provincial Jail Warden (Ret.) Col. Efren Arayata kahapon ng umaga.

Ayon kay Arayata, ang NPA top leader na si Monico Cardinal, nasa Order of Battle ng militar ay ipinasok sa loob ng Provincial Jail matapos masakote ng Phil. Army sa Brgy. Taisan, Sipocot, Camarines Sur noong Huwebes.

Dahil dito, maging ang mga elemento ng Phil. Army ay mahigpit na ring nagbabantay sa bisinidad ng nasabing kulungan. (Francis Elevado)

Show comments