Siga sa barangay tinodas

TAYSAN, Batangas Nagwakas ang pagiging siga ng isang 30-anyos na lalaki makaraang tadtarin ng saksak ng kanyang nakainuman ng alak sa madilim na bahagi ng Barangay San Isidro sa bayang ito noong Miyerkules ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Marianito Balmes ng Barangay Bokal, samantala, tinutugis naman ang suspek na si Mario Perez.

Sa impormasyong nakuha mula sa hepe ng pulisya na si P/Chief Insp. Arcadio Ronquillo, magkasamang nag-iinuman ng alak ang dalawa sa birthday party nang mapikon ang suspek sa kayabangan ng biktima. Napag-akmang inabangan ng suspek ang biktima na naglalakad mag-isa saka isinagawa ang krimen. (Arnell Ozaeta)

Show comments