Coed minolestiya ng propesor

BATANGAS CITY – Naghihimas ng rehas na bakal ang isang clinical instructor ng University of Batangas makaraang ireklamo ng isang 19-anyos na kolehiyala na minolestiya ng una sa bahagi ng Mega Heights Subdivision na sakop ng Barangay Alangilan noong Miyerkules ng hapon. Ayon kay P/Supt. Nilo Anzo , police chief ng Batangas City, kinasuhan ng rape ang suspek na si Manuel Oseda Jr. y Israel, 35, ng Villa Celia Subdivision, Barangay Kumintang Ilaya ng nabanggit na lungsod. Napag-alamang nagkayayaan ang mga kaklase ng biktima kasama ang suspek na isagawa ang selebrasyon sa pagtatapos ng on-the-job training. Niyaya ang biktima ng suspek sa nabanggit na lugar at doon isinagawa ang krimen. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

Show comments