Army colonel tinodas ng kabaro

CAMP SIONGCO, Maguindanao – Binaril at napatay ang isang Army colonel ng kanyang kabarong opisyal sa loob ng punong-himpilan ng Army’s 602nd Infantry Brigade sa bayan ng Carmen, North Cotabato noong Biyernes ng gabi. Napuruhan ang biktimang si Col. Renerio Coya, samantala, sumuko naman sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Carmen ang suspek na si Major Antonio Peralta, commander ng Task Force Malitubog-Maridagao irrigation site sa Barangay Kibines.

Huling namataang buhay ang biktima na nakikipagtalo sa suspek habang may kasayahang nagaganap sa nasabing kuwartel. (Ulat ni John Unson)

Show comments