5-katao tiklo sa illegal fishing

ORION, Bataan — Labinlimang mangingisda na lulan ng tatlong bangkang-de-motor ang dinakip ng mga tauhan ng Bantay-Dagat makaraang maaktuhan sa illegal fishing sa karagatang sakop ng Orion, Bataan kamakalawa. Kabilang sa tatlong bangka na naka-impound ay ang F/B Jonalyn ni Captain Rodel Ramos; F/B Alcon ni Captain Modesto Bautista at F/B Nelia ni Captain Jose Venzon. Kinumpiska rin ang mga nalambat na alimango at alimasag ng mga mangingisda at pormal na kinasuhan, P/Senior Supt Hernando Zafra. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments