2-traffic enforcer niratrat

CAVITE – Dalawang traffic enforcer ang niratrat ng tatlong kalalakihan na ikinasawi ng isa habang ang mga biktima ay nakatayo sa bahagi ng Barangay Bucandala 2 sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng gabi. Si Alfie Orcullo ng Barangay Alapan ay namatay, habang kritikal naman si Glenn Camanag ng Barangay Malagasang 1-D. Sumuko naman sa pulisya ang dalawa sa tatlong suspek na sina Emiliano Saguilayan at Rodolfo Enong na kapwa residente ng Barangay Bucandala 2 sa bayan ng Imus, Cavite. May teorya ang pulisya na nakainitan ng mga suspek ang dalawang biktima dahil sa batas-trapiko. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments