6 suspek sa Vegara's private army, tiklo

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Anim na kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng Vergara’s private army na tinaguriang ‘Calamba City’s Little Mayor" ang dinakip ng mga tauhan ng CALABARZON Special Operations Group (SOG) makaraang makumpiskahan ng iba’t ibang uri ng malalakas na kalibre ng baril sa bahagi ng Magallanes, Cavite noong Lunes.

Kabilang sa nasakote ay nakilalang sina Roberto Tumalon, 26; Cesar Tanseco, 41; Francisco Dazo, 47; Candido Mandido, 27; Junwel Sumray, 26; at Dominador Cutamora, 28.

Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Rodrigo Agojo kay P/Chief Supt. Jesus Verzosa, police director ng CALABARZON, itinuro ng mga suspek si Severino "Doc" Vergara na may-ari ng mga armas na nakumpiska na kinabibilangan ng dalawang 12-gauge shotguns, isang M16 rifle, isang US carbine rifle caliber 30, isang 45. cal. pistol at iba’t ibang uri ng bala.

Ang mga suspek na nadakip at si Severino ay pormal na sasampahan ng kaukulang kaso.

Ayon sa ulat, si Vergara na dating Calamba City councilor ay kasalukuyang hepe ng Calamba-Department of Social Welfare and Development (DSWD). (Ulat ni Rene Alviar)

Show comments