Banko sa Bacoor, hinoldap

CAVITE — Tinatayang aabot sa P.2 milyon ang natangay ng mga armadong sibilyan na nagpanggap na kliyente makaraang pasukin at holdapin ang Luzon Development Bank sa bahagi ng Barangay Mabolo, Bacoor, Cavite kahapon ng umaga. Ayon sa ulat, walang nagawa ang security guard na si Arnel Conde matapos na tutukan ng baril ng isa sa mga holdaper bago limasin ang personal na gamit ng mga empleyado at ilang kliyente kabilang na ang nasabing halaga mula sa binuksang vault ng banko. Napag-alamang hindi lamang ang nasabing banko ang hinoldap, maging ang ilang negosyo sa kahabaan ng Molino Road sa bayan ng Bacoor ay naging biktima ng robbery gang dahil na rin sa kapabayaan ng pulisya. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments