Ayon kay P/Chief Insp. Raul M. Tacaca, hepe ng pulisya sa bayang ito, ang biktima na dating miyembro ng Tolentino Gang, Pulang Lupa Faction at sangkot sa serye ng kidnapping sa nasabing lalawigan ay inupakan ng mga kalalakihang nasa loob ng L300 van na walang plaka. Posibleng onsehan sa partihan ng ransom ang isa sa anggulong sinisilip ng pulisya. (Ulat ni Arnell Ozaeta)
Ex-KFR member, itinumba
STO. TOMAS, Batangas Pinagbabaril hanggang sa bumulagtang patay ang isang 28-anyos na lalaking pinaniniwalaang dating naging kasapi ng grupong kidnap-for-ransom ng mga hindi kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa harap ng St. Cabrini Hospital na sakop ng Barangay San Antonio ng bayang ito kamakalawa. Walong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Celestino Ambida Jr., ng Barangay San Bartolome sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas.