4 Sayyaf dedo sa engkuwentro

CAMP AGUINLADO — Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng grupong bandidong Abu Sayyaf ang napaslang sa pakikipagsagupaan sa tropa ng 3rd Marine Brigade sa kabundukang bahagi ng Sitio Wani sa Barangay Pansul, Patikul, Sulu kamakalawa.

Ayon kay Capt. Rommel Abrau, Phil. Marine spokesman, ang apat na bandido ay ‘di natukoy ang mga pangalan matapos na tangayin ng mga kasamahang Sayyaf na nagsitakas habang nagaganap ang bakbakan. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments