3 grabe sa sumabog na granada

CAVITE — Tatlo-katao ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang masabugan ng granada habang natutulog sa kubo na sakop ng Canyon Ranch Subd. sa Barangay Lantic, Carmona, Cavite kamakalawa. Kasalukuyang nasa Perpetual Help Hospital ang mga biktimang sina June Sassi, 45; Carlito Sereño at Benigno Siervon, 20, na pawang mga stay-in workers sa San Lazaro Leisure Park sa nasabing lugar.

Ayon kay SPO2 Zacarias Baleber, wala pang malinaw na motibo ang nasisilip at suspek na nagpasabog sa tinutulugan ng mga biktima. (Cristina Timbang)

Show comments