Mag-uutol na wanted dinakma

CAVITE – Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng pulisya ang itinuturing na wanted na magkakapatid na pinaniniwalaang may kasong murder sa isinagawang operasyon sa Barangay Salitran 3, Dasmariñas, Cavite kamakalawa. Sa inisyung dalawang warrant of arrest ni Judge Norberto Quisumbing ng Imus Regional Trial Court Branch 21, dinakip ang mga suspek na sina Gilbert, 21; Eduardo, 31; at Leo Domingo, 24, sa kasong murder.

Hindi na nakapalag pa ang tatlong suspek matapos na salakayin ng pulisya ang naturang lugar. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments