Sanggol itinapon sa basurahan

Cavite- Isang sanggol na lalake ang natagpuan sa loob ng isang comfort room ng SM City Dasmariñas matapos na itapon ng kanyang walang pusong ina sa basurahan kamakalawa ng hapon.

Ang sanggol na nakalagay sa basurahan ng lower ground floor ng comfort room ng nasabing mall ay nakita ng isang janitress dakong alas-4:40 ng hapon.

Mabilis itong dinala sa De La Salle Hospital upang matingnan ang kalagayan nito na tinatayang kulang pa sa buwan.

Sinabi ni Ms. Danelle Saique ng DSWD na tumitimbang lamang ng 1.1 kilos ang sanggol at ito ay wala pa sa tamang buwan upang mailuwal.

Nabatid na may kahaharaping kaukulang kaso ang ina ng bata kung ito ay makilala.Kasalukuyang nasa incubator ng UMC Hospital ang sanggol at patuloy na inoobserbahan. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments