4 militiamen nilikida

CAMP AGUINALDO — Apat na militiamen ang iniulat na nilikida ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa naganap na magkahiwalay na insidente ng karahasan sa Maguindanao at Cotabato, ayon sa ulat kahapon. Naganap ang unang insidente sa Sitio Bayog, Barangay Dapiawan sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan matapos na kidnapin at pagbabarilin hanggang sa mapatay sina Lingkong Dagadas at Macalinas Malindog.

Pinagbabaril din hanggang sa mapatay ang mga biktimang sina Nemesio Dugho; Gorgonio Marescal Jr., habang sakay ng pampasaherong dyip at bumabagtas sa kahabaan ng Barangay Tugal, Midsayap, North Cotabato. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments