Sa naging pahayag ni P/Senior Supt. Alexander Pumecha, Ifugao provincial director, ang pagsalakay sa anim na plantasyon ay bunsod ng impormasyong nakalap ng pulisya mula sa ilang residente at tiktik ng pamahalaan sa nabanggit na barangay.
Agad na bumuo ng team si Pumecha na kinabibilangan ng Tinoc PNP, Ifugao PNP Provincial Office at Cordillera Regional Mobile Group upang isagawa ang operasyon.
Sa naantalang ulat, napag-alamang limang araw na clearing operation ang isinagawa sa pangunguna ni Gen. Noe Wong, Cordillera police regional director noong May 17 hanggang May 21 na nagresulta sa pagkadiskubre at pagwasak sa anim na plantasyon ng mga malalaking puno ng marijuana sa ibat ibang parte ng masukal na kagubatan.
Wala namang nasakoteng sibilyang nagbabantay sa plantasyon na pinaniniwalaang nagsitakas matapos na matunugang magsasagawa ng pagsalakay ang mga tauhan ng pulisya.
Ayon pa sa ulat, ang nasabing plantasyon ng marijuana ay pinaniniwalaang pinakamalaking nadiskubre o nabawi sa buong Cordillera ng pulisya. (Ulat ni Victor P. Martin)