Chairman dinedo sa koronasyon

CAMP CRAME – Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ang isang 49-anyos na barangay chairman ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nagtatalumpati sa koronasyon ng Flores de Mayo sa Barangay Pacuan, Jimalalud, Negros Oriental, ayon sa ulat kahapon. Napuruhan ng bala sa likurang bahagi ng katawan si Magsipo Abel habang nag-panic at nagpanakbuhan ang mga tao matapos na umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments