Holdaper ng bus nasakote

BULACAN — Isang 27-anyos na lalaki na pinaniniwalaang holdaper ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya habang dalawang sibilyan ang nasugatan sa naganap na holdapan sa pampasaherong bus sa kahabaan ng McArthur Highway na sakop ng Barangay Saluysoy sa bayan ng Meycauayan, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Nakapiit ngayon sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Dante Camacho, 27, na nakumpiskahan ng baril, habang tugis ang kasamahan ni Camacho na si Gaspar Bernabe ng Brgy. Pandayan.

Sugatan sa holdapan ang mga sibilyang sina Raymond Martinez at Erika Sarcilla na tinamaan ng ligaw na bala. Ayon sa pulisya, ang dalawang suspek ay sangkot sa panghoholdap ng Las Piñas Bus Transport (TWL-849) na minamaneho ni Romeo Rivero. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments