2 drayber ng motorsiklo todas

NUEVA ECIJA — Dalawang drayber ang kumpirmadong nasawi makaraang magsalpukan ang motorsiklo ng mga biktima sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Pinagpanaan sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon, ayon sa ulat ng pulisya.

Ang biktimang si Mario Pangilinan ng Barangay Sicsican Matanda ay binawian ng buhay sa Dr. Paulino J. Garcia Hospital habang si Mauricio dela Cruz ng Barangay Kalikid Norte, Cabanatuan City ay namatay sa Premiere General Hospital. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments