Parak tinodas ni lolo

Camp Olivas, Pampanga – Isang pulis ang nasawi makaraang pagbabarilin ng isang 80 anyos na matandang lalaki matapos ang mainitang pagtatalo sa Apalit, Pampanga kamakalawa.

Dead-on-arrival sa ASCOM Hospital matapos na masapul ng tama ng bala sa katawan ng cal. 45 pistol ang biktimang kinilalang si PO2 Anjemie Layug, kasapi ng 301st Police Mobile Group (PMG) ng Pampanga Provincial Police Office (PPO).

Batay sa report , bandang ala-1:20 ng hapon ng magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng suspek na si Potenciano Mallari sa apartment ni Anastacio del Leon na matatagpuan sa Coop Ville Subdivision, Brgy. San Juan, Apalit ng lalawigang ito na humantong sa pamamaril ng matanda.

Boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng Apalit Police Station ang suspek bitbit ang cal. 45 pistol upang panagutan ang krimen. (Resty Salvador )

Show comments