Gayunman, ayon kay Armys 4th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Samuel Bagasin ay mabilis na nagdepensa ang tropa ng mga sundalo at CAFGU na nakipagpalitan ng putok sa mga rebelde hanggang sa tuluyang maitaboy ang mga kalaban.
Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng tropa ng pamahalaan. Pinaniniwalaang ang pag-atake ay bahagi ng diversionary tactics ng mga rebelde sa operasyon ng militar laban sa kanilang grupo. (Ulat ni Ben Serrano)