Adik na nagwala tinodas

CAVITE – Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ang isang 22-anyos na binata ng kanyang kapitbahay na lalaki makaraang magwala ang biktima sa harapan ng kanilang bahay sa Barangay Maliksi 1 sa bayan ng Bacoor, Cavite kahapon ng umaga. Napuruhan ang biktimang si Gabby Felizardo ng Tramo Street na pinaniniwalaang lango sa ipinagbabawal na gamot.

Tumanggi naman ang ilang kapitbahay na kilalanin ang suspek na posibleng nairita sa pagwawala ng biktima, ayon kay SPO1 Dante Ordoño ng Bacoor PNP. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments