AFP vs NPA: 3 kawal patay

CAMP AGUINALDO — Tatlong kawal ng Philippine Army ang iniulat na nasawi habang tatlo pa ang sugatan makaraang makasagupa ang hindi nabatid na bilang ng rebeldeng New People’s Army sa magubat na bahagi ng Barangay Balantoy sa bayan ng Balbalan, Kalinga, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga nasawing kawal na sina 2nd Lt. Eric Bulatao; Sgt. Romeo Paloran at Pfc. Joseph Gallamoy Jr. Ginagamot naman sa CMFDC Hospital ang mga sugatang sina Cpl. Jerry Ballad; Pfc. Cleoford Banatao at Pfc. Arnold Gamboa na pawang miyembro ng Army’s 21st Infantry Battalion. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments