Trader niratrat

Gapan City, Nueva Ecija – Isang negosyante at Vice Chairman ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) ang binaril at napatay ng ’di pa nakilalang mga armadong kalalakihan habang binubuksan nito ang kaniyang opisina na nasa ikalawang palapag ng gusali sa Tinio St. Brgy. Vicente sa lungsod na ito, ayon sa ulat kahapon. Ang biktima ay kinilala ni Supt. Rolando Santos, hepe ng Gapan City Police na si Glenn Navarro, 42 anyos ng Libis St. Brgy. San Nicolas sa nasabing siyudad. Nabatid na dakong alas-10:15 ng umaga habang binubuksan ng biktima ang kanyang tanggapan na nasa ikalawang palapag ng Yamsuan building nang ratratin ng mga armadong salarin.

Binawian ng buhay ang biktima sa tinamong mga tama ng bala sa mukha at likod. Patuloy na inaalam ang motibo ng krimen. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments