Kinilala ang biktima na si Joel Facura, chief security officer ng SuperFerry na namatay sa Davao Medical Center sanhi ng isang tama ng bala sa tiyan.
Sa ulat ni Lt. Armand Balilio, hepe ng Public Information Office ng PCG, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi noong Sabado sa loob ng SuperFerry 16 na nakadaong sa Sasa Wharf na may rutang General Santos City.
Napag-alaman na itinalagang sea marshall sa nasabing barko ng suspek na si SN1 Julius Villanueva, ng PHILFLEET PN.
Dahil sa pagsunod ng biktima sa no ticket no boarding policy ng SuperFerry ay hindi nito pinayagan ang asawa ng suspek na makapasok sa barko kaya nauwi sa mainitang pagtatalo at pinaputukan ang biktima.
Agad namang dinisarmahan ni PO3 Reynaldo Nerado, isa ring PCG sea marshall at mga rumespondeng PNP Maritime Group, ang suspek at saka dinala sa pulisya para sa kaukulang imbestigasyon. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)