Mister sinermunan ni misis, nagbigti

CAVITE – Isang 44-anyos na mister ang iniulat na nagbigti makaraang sermunan ng sariling misis sa kanilang bahay sa Barangay Lumil, Silang Cavite kamakalawa. Hindi naisalba pa sa Adventist University Hospital ang buhay ng biktimang si Gregorio Mendoza matapos na mag-suicide bandang alas-9:30 ng gabi.

Base sa ulat ng pulisya, umuwi ng kanilang bahay ang biktimang senglot kaya nabulyawan ng kanyang misis hanggang sa magdesisyon magbigti sa loob ng kuwarto. (Ulat ni Lolit Yamsuan)

Show comments