3 dedo sa road mishap

BULACAN — Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang marami pa ang nasugatan makaraang magbanggaan ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng North Luzon Expressway na sakop ng Barangay Tabe, Guiguinto, Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga nasawi ay nakilalang sina Baltazar Manaban, 26, ng Sta. Maria; Harrizon Eumague, 24, ng San Fernando City, Pampanga; at Emmanuel Yaguitin, 42, ng La Paz, Tarlac. Patuloy na sinisiyasat ng kinauukulan ang naganap na insidente. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments