Alitan nauwi sa patayan

NUEVA ECIJA — May posibilidad na matandang alitan ang namagitan kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 31-anyos na electrician ng dalawang lalaki habang ang biktima ay papauwi sa Barangay Tabuating sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Juanito G. Dazo, samantalang tinutugis naman ang mga suspek na nakilala ang isa na si Henry Alipio. Ayon sa pulisya, sinundan ang biktima habang naglalakad sa madilim na bahagi ng nabanggit na barangay. Dito isinagawa ang krimen ng mga suspek bago tumakas. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments