Negosyante sa Davao kinidnap

CAMP CRAME — Hindi inakala ng isang 32-anyos na negosyante na dudukutin siya ng mga hindi kilalang lalaki na nanloob sa kanyang bahay sa Emerald Street, Delta Homes Subdivision sa Barangay Matina, Davao City kamakalawa ng gabi. Ang biktimang nagpapahinga sa kanyang bahay nang dukutin ay nakilalang si Maricris Te, operator ng mga taxi. May teorya ang pulisya na ilang kakilala ng biktima na naging malapit na kaibigan nito ang utak sa naganap na nakawan at pagdukot. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments