Wanted dedo sa barilan

CAMP SIMEON OLA. Legazpi City – Imbes na sumuko sa mga kagawad ng pulisya ay nakipagbarilan hanggang sa mapatay ang isang wanted na lalaki na nagtangkang tumakas habang inaaresto kamakalawa sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Legazpi City.

Kinilala ng pulisya ang napatay na wanted na si Efren Azur na may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ni Judge Edmundo Acuna ng Caloocan Regional Trial Court Branch 23 noong Disyembre 2003. Sa ulat, Dinakip si Azur nina SPO1 Jose Dacara at PO3 Roberto Adupe, subalit gumawa ng gimik at nakipagbarilan hanggang sa mapaslang. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments