8 kabataan hinoldap sa Tagaytay

CAVITE – Walong kabataang lalaki’t babae ang iniulat na hinoldap ng limang hindi kilalang lalaki at hinalay pa ang isa habang ang mga biktima ay namamasyal sa kahabaan ng Tagatay-Calamba Road sa Barangay Iruhin, Tagaytay City kahapon ng madaling-araw. Tinangay ng mga holdaper ang limang cell phones at hindi nabatid na halaga mula sa mga biktimang sina Diana Marie Peteros; Geraldine Villafuerte; Margarita Quitlong; Geraldine Sta. Ana; Carla Quitlong; Junel Quitlong; Alex Christopher at Ramoncito Jose Garcia.

Ayon kay SPO4 Samuel Baybay, pinarada ng mga biktima ang kanilang sasakyang Nissan Eagle pick-up na may plakang TLY-934 sa nasabing lugar bago namasyal hanggang sa lapitan sila ng mga hindi kilalang lalaki at isagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments