Maglive-in partner niratrat

LEGAZPI CITY — Hindi na binigyan ng pagkakataong mabuhay ang maglive-in partner makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaki habang ang mga biktima ay nagpapahinga sa kanilang bahay sa Barangay Ambulong, Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi.

Binistay ng bala ng baril ang mga biktimang sina Roger Clemente at Venus Obiendo, samantalang nagsitakas naman ang mga suspek na sina Epitacio Laurio at isang alyas Jun. Pansamantalang hindi natukoy ng pulisya ang motibo ng krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments