P2M ari-arian naabo

CAVITE — Aabot sa P2 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang kabahayan ng 200 pamilya sa Barangay Tanzang Luma 2 sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng hapon.Wala namang iniulat na nasawi o malubhang nasugatan matapos na magsimulang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang nagngangalang Patrocinia Sapinoso.

May teorya ang mga awtoridad na posibleng nag-init ang isa sa linya ng kuryente hanggang sa lumikha ng apoy at kumalat sa kalapit bahay. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments