3 timbog sa ilegal na baril

ILOCOS SUR — Armado ng search warrant na inisyu ni Judge Francisco Ante ng Vigan Municipal Trial Court ay sinalakay ng mga kagawad ng pulisya ang bahay ng tatlong kalalakihan na nagresulta sa pagkakakumpiska ng malalakas na kalibre ng baril sa magkahiwalay na operasyon sa bayan ng Sta. Maria, Ilocos Sur kamakalawa.

Kabilang ang M16 Armalite rifle, 9mm baril, cal.45 at mga bala ang nakumpiska sa mga suspek na sina Frederick Domingo ng Barangay Poblacion Sur, Emilio Dasalla at Ferdinad Espiritu ng Barangay Langaoan sa bayan ng Sta. Maria. Pinangunahan nina P/Supt. Panfilo Racho; P/Sr. Insp. Marlo Castillo at P/Sr. Insp.Eric Fernandez, ang pagsalakay. (Ulat ni Myds Supnad)

Show comments