Magsasaka nilaslas ang leeg

ANTIPOLO CITY – Pinaniniwalaang ninakawan muna bago nilaslas ang leeg hanggang sa mamatay ang isang 45-anyos na magsasaka ng kanyang kumpare makaraang matagpuan ang biktima sa ilog na sakop ng Barangay Calawis sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Ang bangkay ng biktima na lulutang-lutang sa ilog ay nakilalang si Rodolfo Muncada ng Sitio Bulate sa Barangay San Jose, samantalang ang suspek na pinaghahanap ng pulisya ay nakilalang si Benny Francisco. Sa ulat, nawawala ang P3,000 ng biktima at huling namataan sa piyestahan na kasama ang suspek. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments