Kidnaper ng paslit nadakma

BULACAN — Isang 25-anyos na guest relation officer (GRO) na pinaniniwalaang kumidnap sa isang 8-anyos na babae ang nadakip ng mga kagawad ng pulisya sa pinapasukan nitong videoke bar sa Barangay Lolomboy, Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang suspek na si Hysel Mae Casis, habang nailigtas naman ang biktimang si Melanie Mean Goresco ng Barangay Saug, Marilao, Bulacan. Dahil sa manataan ang biktimang kinidnap may ilang buwan na ang nakalipas ay tuluyang nadakip ang suspek sa pinapasukang Bikolandia videoke bar, ayon kay P/Supt. Pepito Pacada, police chief ng Bocaue PNP. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments