Bata nalasog sa eksplosibo

CAMP CRAME — Lasog ang katawan ng isang 13-anyos na lalaki makaraang masabugan ng hindi nabatid na eksplosibo habang naglalaro sa bakuran ni Councilor Ember Alinsug sa Barangay Tugbongan, Consolacion, Cebu kamakalawa. Dead-on-spot ang biktimang si Junji Villanueva ng Sitio Dunggoan ng nabanggit na barangay. Malubha namang nasugatan ang dalawang kalaro ng biktima na ngayon ay ginagamot sa Cebu Velez Hospital. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang insidente dakong alas-4 ng hapon matapos na iabot sa biktima ang hindi nabatid na eksplosibo ng kanyang kalaro. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments