La Salle stude tinodas

CAVITE — Binaril at napatay ang isang 26-anyos na estudyante ng mga hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nakasakay sa sariling kotse na nakaparada sa harap ng Academia De San Rafael School sa Barangay H-2, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi. Sapol sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si Mark John Sayson y Ranula, 3rd year student sa Dela Salle University sa kursong medicine at residente ng Villa Nicasia Dormitory sa Barangay Burol 1.

Sa imbestigasyon ni PO2 Valero Bueno, bandang alas-8: 30 ng gabi nang lumabas ng Pareha Gym ang biktima at pasakay sa Toyota Altis (XGM-858) nang lapitan at paputukan ng isa sa tatlong lalaki. Tinangay ng mga killer ang kotse ng biktima patungo sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat nina Cristina Timbang at Lolit Yamsuan)

Show comments