Nag-suicide sa harap ni Kap

CAVITE – Natulala ang isang kapitan ng barangay makaraang magbaril sa ulo at mamatay sa kanyang harapan ang isang 43-anyos na mister habang pinapayuhan niya kamakalawa ng gabi sa Barangay Paligawan, Silang, Cavite. Sabog ang ulo ng biktimang si Benedicto Reyes y Mayuga matapos na magbaril sa harapan ni Barangay Captain Bernardino Amita.

Sa ulat ni PO2 Dennis Patambang, senglot ang biktima nang makipag-away sa sariling misis at tinungo ang bahay ni Kap para hiramin ang patrol car, subalit hindi siya pinayagan hanggang sa maganap ang insidetne. (Ulat ni Lolit Yamsuan)

Show comments